Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

Filipino

Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan! Ang pagliligtas ng tao ay hindi maihihiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayunman hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at sa gayon ay mas lalong lumalayo sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, kung gayon, kailangan nating magkaroon ng pagtalakay tungkol sa pamamahala ng Diyos, upang malinaw na malaman ng bawat tagasunod. ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Makakaya rin nilang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

Kahit na ang pamamahala ng Diyos ay mukhang malalim sa tao, ito ay hindi di-kayang maunawaan ng tao, dahil ang lahat ng gawain ng Diyos ay konektado sa Kanyang pamamahala, may kaugnayan sa gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan, at patungkol sa buhay, pamumuhay, at patutunguhan ng sangkatauhan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng at sa tao ay, maaari itong sabihing, napaka-praktikal at makahulugan. Maaari itong makita ng tao, maranasan ng tao, at malayo sa teorya lamang. Kung hindi kayang matanggap ng tao ang lahat ng gawaing ginagawa ng Diyos, kung gayon ano ang kabuluhan ng gawaing ito? At paanong ang nasabing pamamahala ay hahantong sa kaligtasan ng tao? Marami sa mga taong sumusunod sa Diyos ay may pakialam lamang sa kung paano makakatamo ng mga pagpapala o umiwas sa mga sakuna. Sa sandaling nababanggit ang gawain at pamamahala ng Diyos, sila ay tumatahimik at nawawalan ng lahat ng interes. Sila ay naniniwala na ang pagkaalam sa gayong kahihirap na mga katanungan ay hindi magpapalago ng kanilang buhay o magiging anumang pakinabang, kaya’t kahit na mayroon silang narinig na mga mensahe tungkol sa pamamahala ng Diyos, itinuturing nila ang mga iyong pangkaraniwan. At hindi nila nakikita ang mga iyon bilang isang bagay na mahalagang matánggáp, mas lalong hindi nila tinatanggap ang mga iyon bilang bahagi ng kanilang mga buhay. Ang ganoong mga tao ay may isang napaka-payak na layunin sa pagsunod sa Diyos: upang makakuha ng pagpapala, at sila ay lubhang tamad mag-asikaso ng anumang bagay na hindi kinapapalooban ng layuning ito. Para sa kanila, ang paniniwala sa Diyos upang makatamo ng mga pagpapala ay ang pinaka-lehitimo sa mga layunin at ang mismong kabuluhan ng kanilang pananampalataya. Sila ay hindi nababagabag ng anumang bagay na hindi magkakamit ng layuning ito. Ganyan ang kalagayan ng karamihan sa mga naniniwala sa Diyos ngayon. Ang kanilang layunin at adhikain ay mukhang totoo, dahil kasabay ng paniniwala sa Diyos, sila ay gumugugol din para sa Diyos, iniaalay ang kanilang mga sarili sa Diyos, at ginagampanan ang kanilang tungkulin. Isinuko nila ang kanilang kabataan, tinalikuran ang pamilya at karera, at gumugol pa ng ilang taon na nag-aabalang malayo sa tahanan. Para sa kapakanan ng kanilang sukdulang layunin, binago nila ang kanilang mga interes, binago ang kanilang pananaw sa buhay, at binago pa ang direksyong kanilang hinahanap, nguni’t hindi nila mabago ang layunin ng kanilang paniniwala sa Diyos. Nag-áabálá sila para sa pamamahala ng kanilang sariling mga mithiin; gaano man kalayo ang daan, at gaano man karaming mga paghihirap at balakid ang naroon sa daraanan, nananatili silang nasa panig ng kanilang mga layunin at nananatiling walang takot sa kamatayan. Anong kapangyarihan ang nagsasanhi sa kanilang patuloy na ialay ang kanilang mga sarili sa ganitong paraan? Ito ba ay ang kanilang konsensya? Ito ba ay ang kanilang dakila at marangal na katangian? Ito ba ay ang kanilang matibay na kapasiyahang makipaglaban sa mga puwersa ng kasamaan hanggang sa katapusan? Ito ba ay ang kanilang pananampalataya kung saan sila ay nagpapatotoo sa Diyos nang hindi naghahanap ng kabayaran? Iyon ba ay ang kanilang katapatan kung saan handa silang isuko ang lahat upang makamit ang kalooban ng Diyos? O ito ba ay ang kanilang espiritu ng pamamanata kung saan palagi nilang isinasakripisyo ang pansariling maluhong mga pangangailangan? Para sa mga tao na hindi kailanman nakilala ang gawain ng pamamahala ng Diyos na magbigay nang ganoong kalaki ay, sa payak na pananalita, isang nakamamanghang himala! Para sa ngayon, huwag nating talakayin kung gaano kalaki ang naibigay ng mga taong ito. Ang kanilang pag-uugali, gayunpaman, ay lubos na karapat-dapat sa ating pagsusuri. Bukod sa mga pakinabang na malápít na nakaugnay sa kanila, mayroon bang maaaring ibang dahilan para sa mga taong ito na hindi kailanman nauunawaan ang Diyos na magbigay nang napakalaki sa Kanya? Dito, natutuklasan natin ang isang dating hindi-natukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isang hubad na pansariling interes lamang. Ito ay ang relasyon sa pagitan ng tagatanggap at tagabigay ng mga pagpapala. Upang maging malinaw, ito ay tulad ng relasyon sa pag-itan ng manggagawa at amo. Ang manggagawa ay gumagawa lamang upang tumanggap ng mga gantimpala na ipinagkaloob ng amo. Sa isang relasyong tulad nito, walang pagmamahal, isang kasunduan lamang; walang pagmamahal at minamahal, kawanggawa at awa lamang; walang pag-unawa, pagbibitiw at panlilinlang lamang; walang pagpapalagayang-loob, isa lamang look na hindi maaaring mapagdugtong. Kapag ang mga bagay-bagay ay umabot sa puntong ito, sino ang makakayang baliktarin ang ganoong kalakaran? At gaano karaming mga tao ang may kakayahang tunay na maunawaan gaano naging desperado ang relasyong ito? Naniniwala Ako na kapag ang mga tao ay inilubog ang kanilang mga sarili sa kagalakan ng pagiging pinagpala, walang sinuman ang makakagunita kung gaano kahiya-hiya at hindi-magandang-tingnan ang ganoong relasyon sa Diyos.

Ang pinakamalungkot na bagay tungkol sa paniniwala ng sangkatauhan sa Diyos ay na ang tao ay nagsasagawa ng kanyang sariling pamamahala sa gitna ng gawain ng Diyos at walang pagsasaalang-alang sa pamamahala ng Diyos. Ang pinakamalaking kabiguan ng tao ay naroon sa kung paanong, kasabay ng paghahangad na magpasakop sa Diyos at sumamba sa Kanya, ang tao ay bumubuo ng kanyang sariling minimithing paroroonan at tinutuos kung paano makatatanggap ng pinakamalaking pagpapala at ng pinakamagandang paroroonan. Kahit na nauunawaan ng mga tao kung gaano sila kahabag-habag, kasuklam-suklam, at kaawa-awa, gaano ba karami ang handang talikuran ang kanilang mga mithiin at mga inaasam? At sino ang makapagpapahinto sa kanilang sariling mga hakbang at ihinto ang pag-iisip lamang sa kanilang mga sarili? Kailangan ng Diyos yaong mga makikipagtulungan nang malápít sa Kanya at tatapusin ang Kanyang pamamahala. Kinakailangan Niya ang mga maglalaan ng kanilang isipan at katawan sa gawain ng Kanyang pamamahala upang magpasakop sa Kanya; hindi Niya kailangan ang mga taong mag-uunat ng kanilang mga kamay at mamamalimos sa Kanya araw-araw, mas lalo nang hindi Niya kailangan yaong mga nagbibigay nang kaunti at pagkatapos ay naghihintay ng kabayaran sa pabor. Kinamumuhian ng Diyos ang mga taong gumagawa ng maliit na kontribusyon at pagkatapos ay namamahinga na sa kanilang mga katagumpayan. Kinamumuhian Niya yaong mga taong walang-pakialam na umaayaw sa gawain ng Kanyang pamamahala at nais lamang na pag-usapan ang tungkol sa pagtungo sa langit at pagkamit ng mga pagpapala. Siya ay may higit pang pagka-suklam sa mga nagsasamantala sa pagkakataong dinadala ng gawaing Kanyang ginagawa sa pagliligtas sa sangkatauhan. Iyon ay dahil ang mga taong ito ay hindi kailanman nagmalasakit sa kung ano ang mga nais na makamit ng Diyos at makamtan gamit ang mga gawain ng Kanyang pamamahala. Sila ay may pakialam lamang sa kung paano nila maaaring gamitin ang pagkakataong ibinigay ng gawain ng Diyos upang makatamo ng mga pagpapala. Sila ay walang pagkalinga sa puso ng Diyos, bilang ganap na abálá sa kanilang sariling hinaharap at kapalaran. Yaong mga umaayaw sa gawain ng pamamahala ng Diyos at wala man lamang kahit kaunting interes sa kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan at sa Kanyang kalooban, ay gumagawa lahat ng kung ano ang kanilang ikinasisiya na hiwalay sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Ang kanilang asal ay hindi natatandaan ng Diyos, hindi sinasang-ayunan ng Diyos, mas lalong hindi kinasisiyahan ng Diyos.

Gaano karaming nilalang ang naroong namumuhay at nagpaparami sa malawak na kalawakan ng sansinukob, paulit-ulit na sumusunod sa batas ng buhay, sumusunod sa isang palagiang alituntunin. Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapigil ng sangkatauhan na magtanong sa kanyang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? At sino ang lumikha nitong sangkatauhan? Ang sangkatauhan ba ay tunay na nilikha ng Inang Kalikasan? Ang sangkatauhan ba talaga ang kumukontrol sa kanyang sariling kapalaran? … Sa loob ng libu-libong taon nagtatanong ang sangkatauhan ng mga katanungang ito, nang paulit-ulit. Sa kasamaang palad, habang mas nahuhumaling ang sangkatauhan sa mga katanungang ito, mas higit ang pagka-uhaw na nabuo sa kanya para sa siyensya. Ang siyensya ay nag-aalok ng panandaliang kasiyahan at pansamantalang kawilihan ng laman, nguni’t ito ay lubhang hindi sapat upang palayain ang sangkatauhan mula sa pag-iisa, kalungkutan, at bahagyang-nakatagong kilabot at panghihina sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Ginagamit lamang ng sangkatauhan ang siyentipikong kaalaman na nakikita ng mga mata at nauunawan ng utak upang pakalmahin ang kanyang puso. Ngunit hindi mapipigilan ng naturang siyentipikong kaalaman ang sangkatauhan sa pagsaliksik ng mga hiwaga. Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Tinataglay Niya ang paghahari sa lahat ng mga bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang makakapagpalaya ng kanilang mga sarili sa Kanyang paghahari? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang paghahari. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang umiiral at Siyang nagtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Walang nang ibang bagay bukod sa Kanya ang maaaring mamahala sa sansinukob, mas lalong hindi makapagkakaloob nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Hindi alintana kung kaya mo mang kilalanin ang gawain ng Diyos, at walang-kinalaman kung ikaw man ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ay laging magtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at mauunawaan ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan ng tao, kasalukuyan at hinaharap, at Siya lamang ang maaaring makaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito ng sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipatupad ng Diyos. Ang sangkatauhan ay nabubuhay at namamatay sa ilalim ng mga mata ng Diyos. Nabubuhay ang sangkatauhan para sa pamamahala ng Diyos, at kapag ang kanyang mga mata ay pumikit sa huling sandali, iyan ay para din sa mismong parehong pamamahala. Paulit-ulit nang paulit-ulit, ang tao ay dumarating at umaalis, paroon at parito. Walang pagbubukod, lahat nang ito ay bahagi ng paghahari at mga disenyo ng Diyos. Ang pamamahala ng Diyos ay palaging pasulong at hindi kailanman tumigil. Ipamamalay Niya sa sangkatauhan ang Kanyang pag-iral, magtitiwala sa Kanyang paghahari, ipakikita ang Kanyang gawa, at pababalikin sa Kanyang kaharian. Ito ang Kanyang plano, at ang gawain na Kanya nang isinasagawa sa loob ng libu-libong taon.

Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisap-mata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buháy ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buháy na kapaligiran para sa sangkatauhan. Ito ang pinagsimulan ng pamamahala ng Diyos.

Matapos iyan, ipinasa ng Diyos ang sangkatauhan kay Satanas, ang tao ay namuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at ito ay unti-unting humantong sa gawain ng Diyos sa unang kapanahunan: ang kuwento ng Kapanahunan ng Kautusan…. Sa panahon ng ilang libong taon ng Kapanahuan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay nasanay sa patnubay ng Kapanahunan ng Kautusan, at sila ay nagsimulang magwalang-bahala, at dahan-dahang lumisan sa pangangalaga ng Diyos. At sa gayon, kasabay ng pamamalagi sa kautusan, sumamba rin sila sa mga diyus-diyosan at gumawa ng masasamang gawain. Sila ay walang pag-iingat ni Jehova, at isinasabuhay lamang ang kanilang mga buhay sa harap ng dambana ng templo. Sa katunayan, matagal na silang iniwan ng gawain ng Diyos, at kahit na nanatili ang mga Israelita sa batas, at binibigkas ang pangalan ni Jehova, at buong pagmamalaking naniwala na sila lamang ang mga tao ni Jehova at ang mga hinirang ni Jehova, ang kaluwalhatian ng Diyos ay tahimik silang tinalikuran….

Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, palagi Niyang tahimik na nililisan ang isang lugar habang marahang isinasakatuparan ang bagong gawaing Kanyang sinisimulan sa ibang dako. Ito ay tila hindi kapani-paniwala sa mga tao, na naging manhid. Laging napapahalagahan ng mga tao ang luma at isinasaalang-alang ang bago, hindi-kilalang mga bagay na may poot, o nakikita ang mga ito bilang panggulo. At kaya, kahit anong bagong gawain ang gawin ng Diyos, mula sa simula hanggang sa mismong katapusan, ang tao ang huling nakakaalam nito kaysa lahat ng mga bagay.

Gaya ng palaging nangyayari, matapos ang gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, sinimulan ng Diyos ang Kanyang bagong gawain ng ikalawang yugto: ipinagpapalagay ang laman, na nagkatawang tao sa sampu, dalawampung taon, at sinasalita at ginagawa ang Kanyang gawain sa gitna ng mga mananámpalátáyá. Gayunman nang walang pagbubukod, walang nakaalam, at tanging maliit na bilang ng mga tao ang kumilala na Siya ay Diyos na nagkatawang-tao matapos na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at muling nabuhay. Palaisipan, mayroong lumitaw na isang tinatawag na Pablo, na itinalaga ang kanyang sarili sa mortal na alitan sa Diyos. Kahit matapos siyang hinagupit at naging apostol, hindi nagbago ang lumang kalikasan ni Pablo, at siya ay nagsulat ng maraming mga epistula. Sa kasamaang palad, ang mga sumunod na henerasyon ay ginamit ang kanyang mga epistula bilang mga salita ng Diyos upang tamasahin, hanggang sa ang mga ito ay nakasama sa Bagong Tipan at nalito sa mga salitang binigkas ng Diyos. Ito ay tunay na malaking kahihiyan simula ng pagdating ng Kasulatan. At hindi nga ba ang pagkakamaling ito ay nagawa dahil sa kamangmangan ng tao? Lingid sa kanilang kaalaman na, sa mga talaan ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga epistula o espirituwal na mga kasulatan ng tao ay karaniwang hindi dapat naroon upang ipagbalat-kayo ang gawain at mga salita ng Diyos. Nguni’t hindi ito ang punto, kaya’t bumalik tayo sa ating orihinal na paksa. Sa sandaling ang pangalawang yugto ng gawain ng Diyos ay natapos—matapos ang pagkapako sa krus—ang gawain ng Diyos ng pagbawi sa tao mula sa kasalanan (na ang ibig sabihin, pagbawi ng tao mula sa mga kamay ni Satanas) ay natupad. At skaya, mula sa sandaling iyon, kailangan lamang tanggapin ng sangkatauhan ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas para ang kanyang mga kasalanan ay mapatawad. Sa pagbigkas lamang, ang mga kasalanan ng tao ay hindi na hadlang sa kanyang pagkamit ng kaligtasan at paglapit sa harap ng Diyos at hindi na batayan ng pag-usig ni Satanas sa tao. Iyon ay dahil ang Diyos Mismo ay nagsagawa ng tunay na gawain, naging ang wangis at patikim ng makasalanang laman, at ang Diyos Mismo ang naging alay para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, ang tao ay bumaba mula sa krus, na tinutubos at inililigtas dahil sa katawang-tao ng Diyos, ang wangis nitong makasalanang laman. At kaya, matapos na mabihag ni Satanas, ang tao ay nakarating ng isang hakbang papalapit sa pagtanggap ng kaligtasan sa harap ng Diyos. Mangyari pa, ang yugtong ito ng gawain ay ang pamamahala ng Diyos na isang hakbang mula sa Kapanahunan ng Kautusan. at isang mas malalim na antas kaysa Kapanahunan ng Kautusan.

Ganyan ang pamamahala ng Diyos: upang ipasa ang sangkatauhan kay Satanas—isang sangkatauhan na hindi kilala kung ano ang Diyos, kung ano ang Lumikha, kung paano sambahin ang Diyos, at kung bakit kinakailangang magpasakop sa Diyos— at bigyang-kalayaan ang kasamaan ni Satanas. Pagkatapos, paisa-isang hakbang na binabawi ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, hanggang ang tao ay ganap na sumasamba sa Diyos at tinatanggihan si Satanas. Ito ang pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng ito ay parang kathang-isip na kwento; at tila ito’y nakakalito. Nararamdaman ng mga tao na ito ay tila isang kathang-isip na kuwento, at iyon ay dahil wala silang pahiwatig kung gaano katindi ang nangyari sa tao sa nakalipas na ilang libong taon, mas lalo nang hindi nila alam kung ilang kuwento ang nangyari sa kalawakan ng sansinukob na ito. At karagdagan dito, iyon ay dahil hindi nila mapahalagahan ang mas kahanga-hanga, mas nakapagsasanhi-ng-takot na mundong umiiral sa kabila ng materyal na mundo, ngunit kung saan pinipigilan sila ng kanilang mortal na mga mata na makakita. Pakiramdam dito ay hindi mauunawaan ng tao, at iyon ay dahil ang tao ay walang pagkaunawa sa kabuluhan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at kabuluhan ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at hindi nauunawaan kung ano ang lubos na ninanais na Diyos na magyari sa tao. Ito ba ay isang sangkatauhang katulad kina Adan at Eba, na di magawang pasamain ni Satanas? Hindi! Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang masama ni Satanas, ngunit hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay na nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Sa panahon ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sandaling ito, ang sangkatauhan ang pinag-uukulan ng kasamaan ni Satanas, at kasabay nito ay ang pinag-uukulan ng pagliligtas ng Diyos, gayundin ang bunga na pinaglalabanan ng Diyos at ni Satanas. Kasabay ng pagsasagawa ng Kanyang gawain, unti-unting binabawi ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, kaya’t ang tao ay lalo pang napapalapit sa Diyos….

At pagkatapos ay dumating ang Kapanahunan ng Kaharian, na siyang mas praktikal na yugto ng gawain at gayunman ay siya ring pinakamahirap para sa tao na tanggapin. Iyon ay dahil habang mas napapalapít ang tao sa Diyos, mas napapalapit ang tungkod ng Diyos sa tao, at mas malinaw na nakikita ang mukha ng Diyos sa harap ng tao. Kasunod ng pagtubos sa sangkatauhan, ang tao ay opisyal na bumabalik sa pamilya ng Diyos. Akala ng tao ay ngayon ang oras para sa kasiyahan, ngunit siya ay isinasailalim sa isang harap-harapang paglusob ng Diyos na ang mga katulad ay hindi pa nakita ng sinuman. Ang kinalalabasan nito, ito ay isang bautismo na dapat “ikasiya” ng mga tao ng Diyos. Sa ilalim ng nasabing pagtrato, ang mga tao ay walang pagpipilian kung hindi huminto at isipin ang kanilang mga sarili, Ako ang tupa, na nawala nang maraming taon, na pinaggugulan ng Diyos nang labis upang maibalik, ngunit bakit ganito ako ituring ng Diyos? Ito ba ang paraan ng Diyos ng pagtawa sa akin, at pagbubunyag sa akin? … Pagkaraan ng ilang taon, ang tao ay nabugbog ng panahon, naranasan ang paghihirap ng pagpipino at pagkastigo. Kahit naiwala ng tao ang “kaluwalhatian” at “pag-iibigan” ng mga panahong nakalipas, hindi-namamalayang nakarating siya sa pagkaunawa sa katotohanan ng pagiging isang tao, at nagkaroon ng pagpapahalaga sa ilang taóng panata ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan. Ang tao ay marahang nagsimulang masuklam sa kanyang sariling kagaspangan. Sinimulan niyang kamuhian ang kanyang kabangisan, at lahat ng mga hindi-pagkaunawa sa Diyos, at ang mga wala-sa-katwirang kahilingan na ginawa niya sa Kanya. Hindi maibabalik ang panahon; ang mga nakaraang kaganapan ay nagiging malungkot na mga alaala ng tao, at ang mga salita at pag-ibig ng Diyos ay nagiging puwersang magdadala sa bagong buhay ng tao. Ang mga sugat ng tao ay naghihilom araw-araw, ang kanyang kalakasan ay nanunumbalik, at siya ay tumatayo at tumitingin sa mukha ng Makapangyarihan sa lahat … upang matuklasan lamang na Siya ay palaging nasa aking tabi, at ang Kanyang ngiti at ang Kanyang magandang mukha ay lubhang nakapupukaw pa rin. Ang Kanyang puso ay nagtataglay pa rin ng malasakit para sa sangkatauhan na Kanyang nilikha, at ang Kanyang mga kamay ay kasing init pa rin at makapangyarihan tulad ng sa simula. Para bang ang tao ay bumalik sa Hardin ng Eden, ngunit sa sandaling ito ang tao ay hindi na nakikinig sa mga pang-aakit ng ahas, hindi na tumatalikod palayo sa mukha ni Jehova. Ang tao ay lumuluhod sa harapan ng Diyos, tumitingala sa nakangiting mukha ng Diyos, at iniaalok ang kanyang pinaka-mahalagang sakripisyo—O! Aking Panginoon, aking Diyos!

Ang pag-ibig at habag ng Diyos ay nanunuot sa bawa’t kaliit-liitang detalye ng Kanyang gawaing pamamahala, at hindi alintana kung makakaya mang maunawaan ng mga tao ang mga mabubuting intensyon ng Diyos, Siya ay wala pa ring kapagurang gumagawa ng gawaing ninanais Niyang tuparin. Walang pagsasaalang-alang sa kung gaano nauunawaan ng mga tao ang pamamahala ng Diyos, ang mga pakinabang at tulong ng gawaing ginawa ng Diyos ay maaaring mapahalagahan ng bawat isa. Marahil, ngayon, hindi mo pa nadama ang alinman sa pag-ibig o buhay na ipinagkaloob ng Diyos, nguni’t hangga’t hindi mo tinatalikuran ang Diyos, at hindi sumusuko sa iyong determinasyong hanapin ang katotohanan, kung gayon palaging magkakaroon ng araw kung kailan mabubunyag sa iyo ang ngiti ng Diyos. Dahil ang layunin ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay upang bawiin ang sangkatauhang nasa ilalim ng sakop ni Satanas, hindi upang talikuran ang sangkatauhang pinasama ni Satanas at lumalaban sa Diyos.

Ipinahayag noong Setyembre 23, 2005

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *